^

Probinsiya

Nakaw na motor binenta sa Facebook, 2 suspek tiklo sa entrapment

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Nakaw na motor binenta sa Facebook, 2 suspek tiklo sa entrapment
Dakong alas-11:45 ng gabi kamakalawa nang isagawa ang entrapment. Nang iabot ang pera sa suspek ay agad nagsilutangan ang mga pulis at dinakma ang dalawang suspek na nakilalang sina Van Ellie Mamangon, 31-anyos, assistant helper at Lito Te Soro, 42-anyos, isang tax consultant, kapwa ng Brgy. Zapote Las Piñas City.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Sa tulong ng social media , isang “motornapper” ang nalambat ng pulisya matapos nitong i-post ang ninakaw na motorsiklo ng “For Sale” sanhi ng pagkakaresto nila sa inilitag na entrapment operation kahapon ng madaling araw sa Bacoor City.

Personal na nag-report sa pulisya ang biktimang si Noel Lastimoso, nasa hustong gulang, residente ng Bayanan, Bacoor City, Cavite nang makita nito sa Facebook ang naka-post na larawan ng kanyang motorsiklo na tinangay ng kawatan.

Sa pahayag ng biktima kay Pat Marco Romero Cupo, may hawak ng kaso, nitong Agosto 7, dakong ala-1 ng hapon nang tangayin ng ‘di nakilalang suspek ang kanyang motorsiklong Mio sa Brgy. Bayanan, Bacoor City.

Agad dumulog ang biktima sa himpilan ng pulisya kinabukasan, nang makita nito bandang alas-12:28 ng tanghali na naka-post na sa Facebook ang kanyang nawawalang motorsiklo at ibinebenta na.

Ikinasa naman ang entrapment operation at umaktong buyer mismo ang biktima hanggang sa nagkasundo sa presyo ng motorsiklo na P15,000.

Dakong alas-11:45 ng gabi kamakalawa nang isagawa ang entrapment. Nang iabot ang pera sa suspek ay agad nagsilutangan ang mga pulis at dinakma ang dalawang suspek na nakilalang sina Van Ellie Mamangon, 31-anyos, assistant helper at Lito Te Soro, 42-anyos, isang tax consultant, kapwa ng Brgy. Zapote Las Piñas City.

Narekober ng mga awtoridad sa mga suspek ang ninakaw na motorsiklo at buy-bust money na ginamit sa operasyon.

PAT MARCO ROMERO CUPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with