^

Probinsiya

Ex-chairman binistay ng bala sa harap ng misis at anak

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang dating barangay chairman nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap mismo ng kanyang misis at anak, kamakalawa ng gabi sa Ibajay, Aklan.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Mhelvin Cabales, 58, residente at dating kapitan ng Brgy. Bagacay sa Ibajay, Aklan dahil sa tinamong mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

Batay sa report ng Ibajay Municipal Police, dakong 6:48 ng gabi nang maganap ang krimen sa may sementeryo sa Brgy. Poblacion, Ibajay.

Nabatid na pauwi na ang biktima kasama ang kanyang misis at 12-anyos na anak galing sa panonood ng basketball nang harangin ng mga suspek at agad pinagbabaril ang una..

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa motibo ng pamamaslang at upang alamin kung sino ang nasa likod ng krimen.

MHELVIN CABALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with