^

Probinsiya

Parak itinumba ng riding-in-tandem

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Parak itinumba ng riding-in-tandem
Ang biktimang si PEMS Romel Panopio na nakahandusay sa loob ng kanyang van matapos tambangan ng riding-in-tandem sa San Juan Batangas noong Linggo.
Batangas PNP

SAN JUAN, Batangas, Philippines — Patay ang isang 52-anyos na police official matapos tamba­ngan at barilin ng ri­ding-in-tandem sa ba­yan ng San Juan, ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ng San Juan police ang biktimang si Police Executive Master Sergeant Romel Panopio, residente ng Barangay Tipaz, San Juan, Batangas at PNP personnel na nakadestino sa Batangas Police Provincial Office(BPPO).

Ayon sa report, alas-3:40 ng hapon ay sakay si Panopio sa kanyang van at papasok na sa kanyang trabaho nang pagbabarilin ng mga suspek pagsapit sa Barangay Calicanto ng nasabing bayan.

Nang masigurado ng mga suspek na napatay nila ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga ito.

Nadala pa sa pa­gamutan si Panopio, subalit idineklarang dead on arrival dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaslang at ang responsable sa krimen. - Ed Amoroso at Doris Franche

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with