^

Probinsiya

SUV bumaliktad: dalaga utas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
SUV bumaliktad: dalaga utas
Ang nasawi ay kinilalang si Sophia Manzanades habang suga­tan naman ang mga kasama sa sasakyan na sina Paolo Justin Datar Lita; at Mark Pacardo na inaalam pa ang mga tirahan.
Graphic by Philstar/John Villamayor

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 18-anyos na dalaga matapos ang sinasakyan nitong SUV ay bumangga at bumaliktad kamakalawa sa kahabaan ng Washington Drive, Brgy. 16 ng lungsod na ito.

Ang nasawi ay kinilalang si Sophia Manzanades habang suga­tan naman ang mga kasama sa sasakyan na sina Paolo Justin Datar Lita; at Mark Pacardo na inaalam pa ang mga tirahan.

Sa ulat, ala-1:30 ng madaling araw ay mabilis na binabagtas ng Toyota Fortuner (EAE-9953) ang kahabaan ng highway nang mawalan ito ng kontrol at bumangga sa gutter at kongkretong garden box saka bumaliktad sa gitna ng kalsada.

Maging ang isang nakaparadang motorsiklo sa tabi ng kalsada ay nahati at nawasak makaraang salpukin ng SUV.

Mabilis na binunot sa loob ng wasak at naka­baliktad na sasakyan at isinugod sa UST Hospital si Manzanades pero hindi na umabot nang buhay habang kritikal na isinugod sa Daraga Doctor’s Hospital sina Lita at Pacardo.

Inaalam pa ng pulis­ya kung sino sa dalawang nasugatan ang nagmamaneho ng SUV.

vuukle comment

ACCIDENT

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with