^

Probinsiya

Higit 3K aftershocks naitala sa Abra Pinsala ng magnitude 7 na lindol, P1.6 billion na..

Doris Franche, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Higit 3K aftershocks naitala sa Abra Pinsala ng magnitude 7 na lindol, P1.6 billion na..
Ayon sa NDRRMC, nasa P1,593,861,827.11 ang kabuuang halaga ng 1,519 na nasirang imprastraktura sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region (CAR).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umaabot na sa P1.6-bilyong halaga ng mga imprastraktura ang napinsala ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra at kalapit na  mga lalawigan sa northern Luzon.

Ayon sa NDRRMC, nasa P1,593,861,827.11 ang kabuuang halaga ng 1,519 na nasirang imprastraktura sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Nabatid na 770 imprastraktura sa CAR na nagkakahalaga ng P837,813,455.3 ang nasira na sinundan ng rehiyon ng Ilocos na may 597 infrastractures na nasira na nasa P724,019,209 ang halaga at Caga­yan Valley na may P32,029,162.81 sa 131 na napinsalang imprastraktura.

May kabuuang 35,327 bahay rin ang na­apektuhan ng lindol sa Ilocos Region, Cagayan Valley, CAR, at National Capital Region (NCR). Sa naturang bilang, 34,699 bahay ang bahag­yang nasira, at 628 bahay ang buong nawasak.

Hindi naman bababa sa 136,612 pamilya o 502,462 katao ang naapektuhan sa 1,329 barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at CAR.

May kabuuang 368 pamilyang lumikas o 1,310 indibidwal ang nanatili sa 20 evacuation centers.

Samantala, 14,401 pamilyang lumikas o 52,028 indibidwal ang nananatili sa labas ng mga evacuation center.

Ayon sa NDRRMC, ang Department of Agriculture ay nag-ulat ng P33,227,895 na pinsala sa sektor ng agrikultura ng CAR, habang ang National Irrigation Admi­nistration ay nagtala ng P22,700,000 na pinsala sa Ilocos Region at CAR.

Ang naiulat na bilang ng mga namatay sa lindol ay nanatili sa 11, habang ang mga nasugatan ay tumaas sa 574 mula sa 567 noong Sabado.

May kabuuang 29 na lungsod at munisipalidad din ang nagdeklara ng State of Calamity dahil sa lindol kamakailan.

Samantala, uma­abot na sa 3,097 ang mga aftershocks na naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs) kasunod ng magnitude 7 na lindol na yumanig sa norte noong Hulyo 27.

Ayon sa Phivolcs, ang mga aftershocks ay mayroong magnitude na mula 1.4 hanggang 5.1.

Ang 955 anila sa mga ito ay pawang plotted habang 61 naman ang naramdaman.

Sinabi ng Phivolcs na ang huling aftershock na may magnitude na 3.3 na lindol ay naramdaman sa Pilar, Abra dakong alas-11:12 ng umaga nitong Linggo.

Nakapagtala rin ng Instrumental Intensity sa Vigan City sa Ilocos Sur.

Una nang klinasipika ng Phivolcs ang lindol sa Abra bilang “major earthquake.”

vuukle comment

NDRRMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with