^

Probinsiya

Bangka lumubog: 18 pasahero nasagip

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Bangka lumubog: 18 pasahero nasagip
Sa inilabas na statement kahapon, sinabi ng Sulu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na ang 18 na sakay ng bangka ay pawang residente ng Talipao at patungo sana sa Tapul para dumalo sa pagtitipon ng kanilang angkan nang biglang hampasin ng malalakas na alon ang kanilang bangka.
STAR / File

COTABATO CITY, Philippines — Matagumpay na nasagip ng mga rescuers ang 18 katao matapos na lumubog ang kanilang sinasakyang bangka habang naglalayag sa karagatan may 2-milya ang layo sa bayan ng Maimbung sa Sulu, kahapon.

Sa inilabas na statement kahapon, sinabi ng Sulu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na ang 18 na sakay ng bangka ay pawang residente ng Talipao at patungo sana sa Tapul para dumalo sa pagtitipon ng kanilang angkan nang biglang hampasin ng malalakas na alon ang kanilang bangka.

Ang Tapul ay isang islang bayan na malapit sa Patikul ng nasabi ring lalawigan.

Nang makatanggap ng distress call, sinabi ng Sulu PDRRMO na agad nagsagawa ng joint rescue operations ang mga sundalo ng 41st Infantry Battalion ng Philippine Army, Philippine Coast Guard at local government unit ng Maimbung.

Sa hiwalay na pahayag, nagpasalamat si Gov. Hadji Abdusakur Tan, chairperson ng multi-sector provincial disaster risk reduction and management council, sa lahat ng responders na naging dahilan ng pagkakasagip sa 18 na sakay ng bangka.

Nabatid na 10 sa 18 na nakaligtas sa sea mishap ay mga menor-de- edad. 

vuukle comment

PDRRMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with