^

Probinsiya

4 Koreano timbog sa POGO sa Cebu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
4 Koreano timbog sa POGO sa Cebu
Kinilala ang mga nasakote na na sina Kang Tae-wong, 42-anyos; Jun Ho-won, 41; Park Ji-sung, 40, at Kim Dae-hyeon, 36-anyos; pawang South Korean national.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Apat na Korean national ang inaresto ng mga operatiba ng pulisya matapos masangkot sa illegal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa raid sa Brgy Lahug, Cebu City  nitong Biyernes.

Kinilala ang mga nasakote na na sina Kang Tae-wong, 42-anyos; Jun Ho-won, 41; Park Ji-sung, 40, at Kim Dae-hyeon, 36-anyos; pawang South Korean national.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Regional Office 7, ang mga suspect ay inaresto sa tinutuluyan nilang condominium sa Brgy. Lahug ng lungsod kung saan si Kang ang pa­kay sa raid base sa search warrant na inisyu ni Judge Ramon Daomilas ng Cebu City Regional Trial Court (RTC) Branch 11.

Nakumpiska sa ope­rasyon ang mga com­puter sets, cellular phones, isang one-time password generators, Wi-Fi routers, Subscriber Identity Module cards, universal serial bus flash drives at iba pang mga electronic devices.

Ayon sa CIDG Field Unit ang mga suspect ay sangkot sa online gaming at dating site na ginagamit ng mga itong platform para makapambiktima ng mga kalahi ng mga itong South Koreans.

Sa impormasyon ng mga awtoridad ang illegal aktibidades ni Kang sa pago-operate ng POGO ay nagsimula pa noong Pebrero ng taong ito.

Kinukumbinse umano ng mga suspek ang mga potensyal na biktima na mag-invest sa ilang mga kumpanya habang ginagamit din nila ang online gaming at online da­ting sites para makapambiktima umano ng mga kapwa South Koreans.

Sa pamamagitan ng nasabing mga sites, bini­biktima sa phishing ang mga target na sa sandaling i-click ang link sa sites ay iha-hack naman ng mga ito ang bank account ng mga potensyal na target. Ang mga suspect ay nag-operate sa Cebu City sa paniniwalang hindi mahigpit dito ang cyber security.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user