^

Probinsiya

P163.3 milyong jackpot sa lotto nasolo ng taga-Rizal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P163.3 milyong jackpot sa lotto nasolo ng taga-Rizal
Batay sa paabiso ng PCSO, nabatid na ma­ta­gumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination ng Ultra Lotto 6/58 na 04-46-58-20–34-28 na binola dakong alas-9:00 ng gabi ng Biyernes.
Andy G. Zapata Jr, file

MANILA, Philippines — Nasolo ng isang taga-Rizal ang mahigit sa P163.3 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kamakalawa ng gabi.

Batay sa paabiso ng PCSO, nabatid na ma­ta­gumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination ng Ultra Lotto 6/58 na 04-46-58-20–34-28 na binola dakong alas-9:00 ng gabi ng Biyernes.

Dahil dito, naibulsa niya ang jackpot prize nito na tumataginting na P163,365,304.40.

Ayon sa PCSO, nabili ng lucky winner ang kanyang lotto ticket sa Taytay, Rizal.

“Winning ticket for Ultra Lotto 6/58 Game bought from Taytay, Rizal won the jackpot prize of P163,365,304.40 for August 5, 2022 draw,” anang PCSO.

Pinayuhan naman ng PCSO ang lotto winner na upang makubra ang kanyang premyo ay magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

Kailangan din anila nitong iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang ba­lidong identification cards.

Hinikayat din ng PCSO ang publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga palaro upang magkaroon ng tiyansang maging susunod na milyonaryo at makatulong pa sa kawanggawa.

Samantala, mayroon din namang 17 mananaya ang nagwagi ng second prize na tig-P120,000 matapos na makahula ng tig-limang tamang numero.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Sabado.

PCSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user