^

Probinsiya

Pribadong lupain tinangkang i-takeover sa Rizal: 15 arestado

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nasa 15 armado ang arestado matapos umano nilang tangkaing kunin ang isang pribadong lupain at disarmahan ang mga nagbabantay na security guard na nagdulot ng matinding tensyon sa Rodriquez, Rizal noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang mga dinakip na sina Jessie Pati–o; John Mark Pati–o, Norman Cadiog; Rafael Cruz; Bonifacio Rosario; Jose Birao; Rolly Binag; Ronnie Vendiola; Antonio Bocboc Jr; Lucky Visitation; Ronaldo Davillo; Arlie Aguirre; Narciso Ygot Jr.; Dao Ming Zhe Acoriba, at Jessie Marlou Pati–o, pawang security guard.

Sinabi ni Lt. Col. Marcelino Pipo Jr., hepe ng Rodriquez Police, na inihahanda na ang paghahain ng mga kasong trespassing, pananakot, at pangangamkam ng lupa laban sa mga suspek, na pawang guwardiya sa Prosecutor’s Office.

Nabatid na sinugod ng nasa 15 katao ang lugar at agad na tinutukan at dinisarmahan ang mga nakatala­gang guwardya sa may 18-ektaryang bakanteng lupa at kanilang sinakop ito malapit sa isang nayon sa tuktok ng Burol na Garden sa Barangay San Jose, noong Huwebes ng alas-9 ng umaga.

Nagkagirian sa lugar na sanhi ng matinding tensyon hanggang sa magresponde ang mga pulis at naaresto ang 15 na armado nagpakilalang mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga suspek na may back-up na hindi pa matukoy kung ilang bilang ng mga lalaking lulan ng ilang sasakyan nang biglang i-takeover nila ang lupain, ilan metro ang layo malapit sa Hilltop Garden at Mervil Resort sa Don Mariano St, Barangay San Jose.

Ayon kay Ramil Entico, caretaker ng lupa, dalawa sa 13 security guard na sina Mohammad Mayare at Jaffar Mamundug na nakatalaga sa harap ng gate, ay agad na dinisarmahan at inutusan ng mga umatake na dumapa sa lupa.  Nasa 11 guwardiya naman ang nakatakbo sa mataas na bahagi ng lupa na pumusisyon sa napipintong barilan.

Kung magpumilit silang atakihin kami sa loob, babarilin namin sila, mahigit tatlo o apat na ektarya na ang kanilang inookupahan,” ayon sa isang guwardya ng JMV security agency.

Ayon sa source, isang maimpluwensyang politiko sa Rodriquez ang nasa likod ng pagtatangkang sakupin ang pribadong lupain.

Sa kabila ng pag-aresto sa mga umatakeng guwardya, agad silang pinakawalan ng pulisya na ngayo’y inaalam na ng mga nagrereklamo ang dahilan.

JOHN MARK PATI–O

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with