^

Probinsiya

15 barangay sa Cebu City, lubog sa baha

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumubog sa hanggang tuhod na baha ang 15 sa kabuuang 80 barangay sa Cebu City sanhi ng mala­lakas na pagbuhos ng ulan, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region 7 kahapon.

Sa report ng OCD, simula pa nitong Huwebes ng gabi ay halos walang humpay ang malalakas na pag-ulan na nagdulot ng flash floods sa mga apektadong lugar.

Kabilang sa mga naapektuhan ng flash floods ay ang mga barangay ng Buhisan, Basak, Cogon-Pardo, Talamban, T. Padilla, Tisa, Labangon, Kinasang-an, Mabolo, Pit-os, Carreta at Pardo.

Samantalang ang mga netizens ay nag-upload rin sa social media ng mga pagbaha na naranasan sa Brgys. Pari-an, Apas at Mambaling.

Ang pagbaha ay nakaapekto sa 56 pamilya na binubuo ng 235 mga indibidwal habang ilang mga kabahayan din ang nagtamo ng pinsala kabilang ang siyam na bahay na grabe ang  pagkawasak at nasa  41 naman ang nagtamo ng pagkasira.

Samantala, bunga ng mga malalakas na pag-ulan ay naitala rin ang bahagyang landslide sa mga bulubunduking barangay sa lungsod kabilang sa El Garahe at Brgy. Busay ng lungsod nitong Sabado ng umaga.

Sa kabila nito, walang naitalang nasawi sa naganap na mga pagbaha sa Cebu City habang ang lalaking nakunan ng video habang tinatangay ng tubig baha kasama ang barung-barong sa Kinalumsan River ay nasagip naman ng rescue team ng Cebu Disaster Risk Reduction and Management Office  (CDRRMO).

vuukle comment

OCD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with