^

Probinsiya

P2.1 milyon puslit na yosi nasabat ng PCG

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P2.1 milyon puslit na yosi nasabat ng PCG
Sa ulat kahapon ng PCG-District Central Visayas, nasabat nila ang kontrabando sakay ng MV Lite Ferry 17 sa Mainit Port sa Oslo, Cebu makaraang maglayag mula sa Dapitan Port sa Zamboanga del Norte.
Businessworld / File

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos makasabat ng may P2.1 milyong hala­ga ng smuggled cigarettes sa Mainit Port sa Cebu nitong nakaraang Agosto 1.

Sa ulat kahapon ng PCG-District Central Visayas, nasabat nila ang kontrabando sakay ng MV Lite Ferry 17 sa Mainit Port sa Oslo, Cebu makaraang maglayag mula sa Dapitan Port sa Zamboanga del Norte.

Nagsagawa ng inspeksyon ang PCG sa shipment na nakadeklara na mga pagkaing de-lata ngunit nang buksan ay tumambad ang mga sigarilyo na nakasilid sa mga karton ng sardinas na tinatayang nagkakahalaga ng P2,116,000. Nangga­ling ang kontrabando sa Malaysia.

Ipinasa na ng PCG ang mga nasamsam na puslit na sigarilyo sa Bureau of Customs-Region 7 para sa tamang disposisyon.

PCG

YOSI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with