^

Probinsiya

10 dedo, 4 sugatan sa karambola ng sasakyan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
10 dedo, 4 sugatan sa karambola ng sasakyan
Sa report ng General Santos City Police, alas-3:15 ng hapon nang mangyari ang banggaan ng isang cargo truck, isang pickup truck at isang utility van na puno ng sakay na pasahero sa highway ng Brgy. Batomelong ng lungsod.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sampu katao ang nasawi habang apat pa ang nasugatan sa malagim na karambola ng tatlong behikulo sa Ge­neral Santos City nitong Huwebes ng hapon.

Sa report ng General Santos City Police, alas-3:15 ng hapon nang mangyari ang banggaan ng isang cargo truck, isang pickup truck at isang utility van na puno ng sakay na pasahero sa highway ng Brgy. Batomelong ng lungsod.

Ang mga pasahero ng utility van na karara­ting lang sa lungsod ay galing sa team building activity sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte.

Nitong Huwebes ng gabi ay napaulat na pito na ang nasawi sa trahedya pero kahapon ng umaga ay kinumpirma ng General Santos City Police na tumaas ito sa 10 matapos bawian ng buhay ang tatlo pa sa mga biktima.

Kinilala ang mga nasawi na sina Cesar Andaya, cargo truck driver; Noel Podadera, van dri­ver; Lalaine Joy Labang, Mylene Donaldo, Carlo Advincula, Regie Pag-ong, Ryan Jay Niñez, Salvacion Masugbod, Alfredo Abatayo at Rose Ann Macpal.

Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang mga sugatang sina Regina Gadia, Shiela Bantaculo, Jerel Villaruz at Jeraldine Villaruz.

Sa imbestigasyon, ang commuter van ay nagpagewang-gewang ang takbo at pumasok sa kabilang linya nang aksidenteng sumabog ang gulong nito kaya sumalpok ito sa Isuzu wing van truck at Ford Ranger Raptor.

Nabatid na ang mga pasahero ng nirentahang van ay mga empleyado ng Tuna Exporters Multi-Purpose Cooperative na nakabase sa Brgy. Tambler, General Santos City. Ang nasabing van ay isang kolorum at walang mga dokumento sa car rental business.

Sa pahayag ng pickup driver na si Elbert Hayag, bumabagtas siya sa pakurbadang daan patungo sa city proper nang magpagewang-gewang ang takbo ng van at tuluy-tuloy na sumalpok sa paparating na truck.

ROAD MISHAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with