^

Probinsiya

1 pang bangkay nahukay, 11 na death toll sa lindol

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa pang bangkay ng 59-anyos na lalaki sa Tubo, Abra ang nadagdag sa mga nasawi kaya pumalo na sa 11 ang death toll sa naganap na magnitude 7 na lindol sa lalawigan at iba pang mga lugar sa Luzon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Kinilala ng NDRRMC ang biktima na si Dario Lacaden ng Brgy. Wa­yangan na napinsala ang ulo matapos tamaan ng bumagsak na bubu­ngan na gawa sa kawa­yan na puno ng lupa sa kasagsagan ng lindol noong Hulyo 27.

Sa huling tala, nasa 410 katao ang nasuga­tan sa lindol mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos (Region 1) at Cagayan Valley (Region 2) habang nasa 119, 730 pamilya o 448,990 indibiduwal ang naapektuhan.

Nairekord na P33.23 milyong halaga ang napinsala sa agrikultura at P1.34 milyon naman sa imprastraktura.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa NDRRMC ay nasa 2,395 ng mga indibiduwal ang nanunulu­yan sa 21 evacuation centers sa mga apektadong rehiyon.

LINDOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user