^

Probinsiya

2 bata tinangay ng agos sa ilog, patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang bata ang nasawi makaraang malunod nang tangayin ng malakas na agos habang naliligo sa ilog ng Mandaue City sa Cebu, kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Sam Calderon, 5-anyos at kaanak na si Alexander Calderon; pawang residente ng Brgy. Paknaan ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:45 ng tanghali habang naglalaro nang magkayayaan ang dalawang bata kasama ang isa rin nilang kamag-anak na menor-de-edad na maligo sa Butuanon River sa Zone Ahos ng Brgy. Paknaan nang hindi nagpapaalam sa kanilang mga magulang.

Habang naglalangoy sa ilog, napansin ng kasamang batang lalaki na biglang nawala ang mga pinsang sina Sam at Alexander kaya umahon siya at ipinagbigay alam nito sa kanilang tiyahin.

Agad na nagsagawa ng search and rescue ope­rations ang mga awtoridad bandang alas-12 ng tanghali ng nasabi ring araw at naiahon ang katawan ng dalawang bata mula sa ilog saka isinugod sa pagamutan sa Mandaue pero idineklarang kapwa dead-on-arrival.

ILOG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user