^

Probinsiya

Proyektong reclamation ng China sa Dumaguete, malabo na – grupo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala na umanong pag-asa na muling mabuhay pa ang proyektong reclamation sa Dumaguete City matapos na ayawan ng nakararaming mamamayan dito, ayon sa isang grupo na pumapalag sa proyekto.

Sinabi ni Gary Rosales, tagapagsalita ng grupo, mahihirapan din ang alkalde ng Dumaguete na muling mailahad ang reclamation project dahil karamihan sa mi­yembro ng city council ay kontra rito.

“Marami sa mga nanalong konsehal ay tumakbo sa ilalim ng ‘NoTo174 Reclamation’,” ayon kay Rosales at sinabing ma­ging ang bagong gobernador ng Dumaguete ay kontra sa proyekto.

Sinabi pa ng tagapagsalita ng grupo, matapos ang kumpirmasyon ng Philippine Reclamation Authority (PRA), ang P23 bilyong reclamation project ng Guandong-based Poly Changda Overseas Engineering Co, ay big­lang nawala sa listahan ng “considered projects” ng PRA dahil sa matinding pagtutol ng mamamayan ng nasabing lugar.

Ang pagkapanalo umano ng 10 miyembro ng konseho ng Dumaguete City laban sa kampo ng Lupad ng nahalal muli na si Mayor Felipe Antonio Remollo ay patunay na ayaw ng mamamayan sa 174-hectare Smart City reclamation project na isinusulong ng alkalde.

Ang reclamation project na naging panguna­hing isyu ng nakalipas na halalan ay inayawan ng mga residente sa Dumaguete.

Nakasaad sa batas na kailangan ng mayor ang pagpayag ng city council sa pagpapatupad ng proyekto lalo na yung may mga pinapasok na kontrata.

Ang P23-B reclamation project ay hawak ng EM Cuerpo, isang local construction firm na kinukuwestyon din dahil sa umano’y financial capacity nito matapos lumabas na nasa P1.4 billion lamang ang net assets nito noong 2020.

Ang pagpasok ng Guandong-based Poly Changda Overseas Engineering Co. bilang sub-contractor ng EM Cuerco ay mas higit na nagbigay ng pagdududa na ang reclamation project ay pinondohan ng kapitalista mula sa China.

CHINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user