^

Probinsiya

Nawawalang nars nakabaon pala sa sariling bakuran sa Negros Oriental

Philstar.com
Nawawalang nars nakabaon pala sa sariling bakuran sa Negros Oriental
Satellite image ng Valencia, Negros Oriental mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Isang nawawalang nurse ang natagpuang nakalibing sa sarili niyang bakuran sa Valencia, Negros Oriental.

Ayon sa ulat ng "Unang Balita" ngayong Biyernes, kinilala ang 32-anyos na biktima bilang si Maribel Glazier na siyang nagsimulang mawala noong ika-16 ng Hulyo.

Batay sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima matapos magreklamo ang mga kapitbahay nito sa hindi magandang amoy galing sa kanyang bahay.

Dagdag pa rito, sinabi rin ng mga kaibigan ni Maribel sa mga pulis na una na silang sinabihan ng biktima na kunin ang dalawa niyang anak na babae sakaling may mangyari sa kanya dahil madalas silang mag-away ng kanyang mister na si Daniel Lawrence Glazier, isang foreigner.

Kasalukuyang itinuturing na person of interest sa krimen si Daniel Lawrence na siyang pinaghahanap ngayon ng otoridad. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

NEGROS ORIENTAL

NURSE

VALENCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with