^

Probinsiya

Sundalo dedo, sa landmine

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang sundalo ang patay habang limang iba pa ang sugatan, nang masabugan ng landmine kamakalawa ng umaga sa Catubig, Northern Samar.

Agad na nasawi ang isang sundalo na hindi pa pinangalanan habang dinala naman sa Eastern Visayas Medical Center ang mga sugatan para lapatan ng lunas.

Ayon kay Capt. Ryan Layug, ng 8th Infantry Division Philippine Army, dakong 9:25 ng umaga ay nagsasagawa ang grupo ng Community Support Program (CSP) ng combat patrol sa Barangay Osang, Catubig Northern Samar nang biglang may sumabog.

Nanawagan naman ang militar sa Commission on Human Rights dahil sa patuloy na paglabag ng Komunistang NPA sa International Humanita­rian Law Ottawa Convention o Mine Ban Treaty.

Batay sa batas, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit, pag-iimbak, paggawa, at pagbiyahe ng mga Anti-personnel mines.

vuukle comment

SUNDALO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with