^

Probinsiya

Motor sumemplang: Misis na angkas, utas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Motor sumemplang: Misis na angkas, utas
Sinubukan pang isugod sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Graceta Medrano Balverde,50,residente ng Purok-2,Brgy.Cubangbang, Daet ,Camarines Norte.
STAR/File

NAGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang misis matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo na minamaneho ng asawa sa trak at pagkatapos ay nagulungan ito naganap sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy.Del Rosario ng lunsod na ito kamakalawa ng umaga.

Sinubukan pang isugod sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Graceta Medrano Balverde,50,residente ng Purok-2,Brgy.Cubangbang, Daet ,Camarines Norte.

Sa ulat, alas-6:30 ng umaga ay binabagtas ang kahabaan ng highway ng Suzuki Raider Motorcycle (4619ES) na minamaneho ni Enriqueto Balverde, 52, at angkas ang asawang biktima.

Gayunman, aksidenteng nakabanggaan nito ang Isuzu Forward Double Decker truck (NCR-7390) na minamaneho ni Rhogen Anteligando Lusuergo, 26-anyos,binata, residente ng Brgy.Sugtunggan Basak Lapu-Lapu City, Cebu.

Tumilapon mula sa pagkakaangkas ang biktima at napunta sa linya ng kabanggaang trak kaya nagulungan ang katawan nito.

MOTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with