^

Probinsiya

2 todas nang masagasaan ng motor, ambulansiyang may COVID-19 patient

Philstar.com
2 todas nang masagasaan ng motor, ambulansiyang may COVID-19 patient
Satellite image ng Opol, Misamis Orienta mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Dalawa ang patay matapos mahagip ng motorsiklo at ambulansiya sa Opol, Misamis Oriental — ang huling sasakyan, may lulan pang pasyente ng COVID-19.

Patungong Cagayan De Oro City sana ang ambulansiya nang mangyari ang insidente.

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV Cebu nitong Martes, kinilala ang dalawang biktima na sina Falconiri Mirasol at Jepoy Alcantar. 

Batay sa imbistigasyon ng pulisya, nag-inuman raw ang dalawang biktima ngunit nang papatawid na ang sa highway ay nahagip ng isang motorsiklo si Alcantar na siyang dahilan para humandusay.

Habang nakahandusay si Alcantar, tumulong naman si Mirasol na magmando ng trapik ngunit nasagasaan naman ng ambulansiya.

Dead on the spot si Alcantar samantalang naitakbo pa sa ospital si Mirasol, na idineklara dead on arrival.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng ambulansiyang may dalang COVID-19 patient ngunit wala pa itong pahayag ukol sa nangyaring insidente. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan

AMBULANCE

MISAMIS ORIENTAL

MOTORCYCLE

NOVEL CORONAVIRUS

OPOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with