^

Probinsiya

2 crew ng sumadsad na barko, nasagip

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 crew ng sumadsad na barko, nasagip
Sa paunang pagsusuri ng PCG Marine Environmental Protection Group sa Zambales, wala silang nakitang bakas na nagkaroon ng oil spill sa bahagi ng dagat kung saan nakasad­sad ang barko.
AFP / Philippine Coast Guard, Released

MANILA, Philippines — Nasa ligtas nang kalagayan ang kapitan at isang crew ng cargo vessel na sumadsad makaraang masagip sila ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang sakop ng Masinloc, Zambales noong Linggo ng hapon.

“For info, na-rescue na po ang boat captain at chief mate as of 05:45 p.m.,” ayon sa PCG.

Kinilala ng PCG ang nasagip na kapitan na si Allan Boyboy habang ang kaniyang chief mate ay si Felix Gepillano Jr.  

Sumadsad ang LCT Aviva 80 sa karagatang sakop ng Barangay Bani sa Masinloc dahil sa malalakas na hangin at matataas na alon.  Nanatili sa barko sina Boyboy at Gepillano nang sumadsad ito.

Inisyal na naiulat na 22 sa 24 na crew ng barko ang unang nailigtas at naisugod sa Rural Health Unit sa bayan ng Masinloc.

Sa paunang pagsusuri ng PCG Marine Environmental Protection Group sa Zambales, wala silang nakitang bakas na nagkaroon ng oil spill sa bahagi ng dagat kung saan nakasad­sad ang barko.

PCG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with