^

Probinsiya

Cagayan niyanig ng magnitude 6 na lindol

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Cagayan niyanig ng magnitude 6 na lindol
Ayon sa Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs), dakong alas-2:40 ng madaling-araw nang tumama ang lindol na ang sentro ay nasa 017 kilometro ng timog silangan ng Dalupiri Island, Calayan, Cagayan.
Pixabay

Intensity 5 tumama sa 15 lugar

MANILA, Philippines — Niyanig ng malakas na lindol na nasa magnitude 6 ang lalawigan ng Cagayan ng madaling araw kahapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs), dakong alas-2:40 ng madaling-araw nang tumama ang lindol na ang sentro ay nasa 017 kilometro ng timog silangan ng Dalupiri Island, Calayan, Cagayan.

Umaabot naman sa 043 kilometro ang lalim ng lupa ng lindol at tectonic ang pinagmulan ng naturang pag­yanig.

Dulot nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 5 sa Dalupiri island, Claveria, Sta. Praxedes, Sta. Ana, Sanchez Mira, Aparri, Calayan, Ballesteros, Abulug, at Pamplona sa Cagayan; Adams, Pagudpud, at Bangui sa Ilocos Norte; at mga bayan ng Flora at Luna sa Apayao.

Intensity 4 sa Tuguegarao City, Tuao, Gonzaga, Lal-lo, Gattaran, Alcala, Amulung, Enrile, at Peñablanca, Cagayan; Burgos, San Nicolas, Batac, Pasuquin, Bacarra, Laoag City, Vintar, Dingras, Sarrat, Solsona, at Paoay, Ilocos Norte; Sinait, Ilocos Sur; Conner, Apayao.

Intensity 3 sa Rizal, at Sto. Niño, Cagayan; Vigan City, Cabugao, San Juan, Magsi­ngal, Candon City, Sta. Lucia, Sto. Domingo, Narvacan, Santa, San Vicente, Tagudin, Banayoyo, Suyo, Alilem, Santiago, Bantay, Santa Catalina, Caoayan, Cervantes, Gali­muyod, Burgos, Nagbukel, San Esteban, San Ildefonso, Sugpon, Sigay, at Sta. Maria, Ilocos Sur; Peñarrubia, Tayum, at Bangued, Abra; Cabagan, Isabela. Intensity 2 sa San Fernando City, Sudipen, San Juan, and Bangar, La Union; Tabuk City, Kalinga; La Paz, Manabo, Pidigan, at Lagayan, Abra Intensity I - Cauayan, Isabela.

Ayon sa Phivolcs, asahan na ang pagkakaroon ng aftershocks sa naganap na paglindol.

LINDOL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with