^

Probinsiya

Motor sumalpok sa truck: Driver at backrider, pisak

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Patay ang dri­ver kabilang ang backri­der ng motorsiklo matapos magulungan ng isang trailer truck sa bahagi ng Barangay San Pedro-San Pablo sa bayan ng Aurora sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Aurora Police ang isa sa mga biktima na si Aljun Agus­tines, 43, residente ng Barangay Upi sa bayan ng Gamu, habang inaalam pa ang pagkakilanlan sa kanyang kasama.

Kinilala naman ang driver ng trak na si Richard Vasquez, 29, residente ng Barangay San Isidro, Taytay, Rizal.

Lumabas sa imbes­tigasyon ng pulisya na kapwa binabagtas ng walang plaka na motorsiklo na minamaneho ni Agustines habang angkas ang ‘di kilalang la­laki at ang trak na minamaneho ni Vasquez, ang kahabaan ng national road patungong hilagang direksyon nang biglang sumalpok ang motorsiklo sa trak.

Dahil sa tindi ng salpukan, pumailalim ang motorsiklo sa trak at dalawang biktimang sakay nito.

Napisak ang ulo ng driver ng motorsiklo na agad idineklarang dead-on-the-spot habang idineklarang dead-on-arrival naman sa ospital ang angkas nito.

Nasa kustodya ng pulisya ang driver ng trak na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide and da­mage to pro­perty.

MOTOR

TRUCK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with