^

Probinsiya

‘Kasal o sakal?’: Bebot tinodas matapos diumano iatras ang kasal

Philstar.com
âKasal o sakal?â: Bebot tinodas matapos diumano iatras ang kasal
Satellite image ng Davao City mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Patay ang isang 30-anyos na dalaga mula sa Lungsod ng Davao nang sakalin matapos daw hindi ituloy ang napipintong kasal sa nobyo.

Kinilala ang biktima bilang si Joan Balabagan Lintang sa ulat ng Super Radyo Davao, na fiancé ng suspek na si Maliry Bitil Gumanan ng Magsaysay, Davao del Sur.

Batay sa mga otoridad, natagpuang walang buhay si Lintang sa banyo ng isang inn sa C.M. Recto, Barangay 35-D nitong Hunyo 26.

Anila, nag-check in ang dalawa pasado tanghali. Nagkaroon daw ng pagtatalo ang magsing-irong na siyang humantong sa pagkakansela ng kasal.

Lumabas sa imbestigasyon na “strangled to death” o sinakal hanggang sa mamatay ang babae bago umeskapo ang kelot sa crime scene.

Sumuko naman si Gumunan sa Magsaysay Municipal Police Station at kasalukuyang nasa kustodiya na ng kapulisan.

Nahaharap siya sa kasong homicide. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

CRIME

DAVAO CITY

MARRIAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with