^

Probinsiya

24-oras checkpoints ipinatupad sa Kabikulan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
24-oras checkpoints ipinatupad sa Kabikulan
Members of Philippine National Police (PNP) and Armed Forces of the Philippines man a Comelec checkpoint along Bonifacio Avenue in Brgy. Barangka, Marikina City on Friday midnight (April 8, 2022) in preparation for the upcoming national elections.
Walter Bollozos

Sa inagurasyon ni Marcos, task force binuo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Para matiyak ang seguridad, nagpatupad na ng 24-oras na checkpoints ang pulisya ng buong rehiyon ng Bicol para sa inagurasyon ni incoming president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang ika-17 Pangulo ng bansa bukas, Hunyo 30 na gaganapin sa Maynila.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 5 regional director Brig. Gen. Mario Reyes, inalerto na nito ang 27 municipal at city police stations sa rehiyon kasama ang Naga City Police Office para maglatag ng mga 24 oras na police checkpoints sa dinadaanan ng mga motorista sa Maharlika National Highway mula sa bayan ng Matnog, Sorsogon, Albay, Camarines Sur hanggang sa Sta. Elena, Camarines Norte.

Kasabay nito, binuo at ini-activate na rin ng Police Regional Office (PRO) 5 ang “Task Force Bicol Shield” para tumulong na ma­panatili ang kaayusan at katahimikan ng buong rehiyon pati na sa Kamaynilaan para sa gagawing inagurasyon ni Marcos.

Sinabi pa ng regional director na binuhay nila ang task force na nagsimula nang magtrabaho nitong Lunes ng alas-12 ng tanghali hanggang sa matapos ang inagurasyon ng bagong pangulo ng bansa.

Iniutos pa ni Reyes na palakasin ang police at mobile visibility sa lahat ng lugar sa rehiyon at imonitor ang sitwasyon ng “peace and order” at maging ang galaw ng masasamang element na posibleng manabotahe sa makasaysayang aktibidad ng bansa.

Bumuo na rin ng Reactionary Standby Support Force at civil disturbance management ang kampo na handang magresponde kung kinakailangan.

Sa kabila nito, nagpaalala si Reyes sa lahat ng mga tauhan na siguruhing walang malabag na karapatang pantao sa mga gagawing protesta at pagpapahayag ng ilang grupo basta wala naman silang magiging paglabag sa batas.

CHECKPOINT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with