^

Probinsiya

Babae itinumba ng tandem sa Rizal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Babae itinumba ng tandem sa Rizal
Dead-on-arrival sa Antipolo District Hospital ang biktimang nakilalang si Maricar Turla, ng Brgy. San Isidro, Antipolo City habang nakatakas at tinutugis na ng mga otoridad ang dalawang di kilalang lalaki na may kagagawan ng krimen.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang babae nang barilin sa noo ng dalawang hindi kila­lang lalaki habang nagla­lakad sa isang eskinita sa Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Antipolo District Hospital ang biktimang nakilalang si Maricar Turla, ng Brgy. San Isidro, Antipolo City habang nakatakas at tinutugis na ng mga otoridad ang dalawang di kilalang lalaki na may kagagawan ng krimen.

Lumilitaw sa ini­syal na ulat ng Antipolo City Police na dakong alas-8:10 ng gabi nang maganap ang krimen sa isang eskinita malapit sa basketball court sa Sitio Tanglaw, Brgy. San Isidro.

Kasalukuyan uma­nong naglalakad sa lugar ang biktima nang lapitan ng dalawang suspek at walang sabi-sabing binaril sa noo.

Nang matiyak na napuruhan ang biktima, kasuwal lamang na nag­lakad palayo sa lugar ang mga suspek, bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Kaagad na isinugod ng mga testigo ang biktima sa ospital ngunit patay na ito nang idating doon.

Hinala naman ng mga pulis, posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang krimen ngunit iniimbestigahan pa nila ang insidente.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user