^

Probinsiya

Dambuhalang lapu-lapu, nabingwit sa Antique

Ian Carandang - Pilipino Star Ngayon
Dambuhalang lapu-lapu, nabingwit sa Antique
Ayon sa uploader na si Reah Vego Davidson, napansin umano ng kanyang pamangkin na si Rex Vego Jr. na bigla na lamang may humila sa pain nito. Sinubukan umano nito na iangat ang kanyang huli ngunit hindi nito kinaya ang bigat ng isda kaya naman nag-desisyon na itong hu­mingi ng tulong sa isa pang mangingisda na malapit sa kanya.
STAR/File

MANILA, Philippines — Viral ngayon sa social media ang video ng isang dambuhalang lapu-lapu na nabingwit ng mga mangingisda sa isang barangay sa Sebaste, Antique noong Sabado.

Ayon sa uploader na si Reah Vego Davidson, napansin umano ng kanyang pamangkin na si Rex Vego Jr. na bigla na lamang may humila sa pain nito. Sinubukan umano nito na iangat ang kanyang huli ngunit hindi nito kinaya ang bigat ng isda kaya naman nag-desisyon na itong hu­mingi ng tulong sa isa pang mangingisda na malapit sa kanya.

Gayunpaman, lumipas na ang ilang oras ngunit bigo pa rin ang dalawang mangi­ngisda na maiangat ang nabingwit na isda. Kaya naman nagdesis­yon umano si Davidson na papuntahin ang dalawa niyang kapatid gamit ang isang bangka upang tulungan ang kanyang pamangkin.

“Sumapit na ang alas kuwatro ng hapon pero ‘di pa rin nila naiangat yung huli. May pumunta po sa bahay at pinapasabi ng pamangkin ko na puntahan siya dun para tulungan na maiahon ang huling isda,” saad nito.

Dito pa lang nila naiangat ang isda at ang tumambad sa kanila ay isang malaking lapu-lapu na may timbang na 187 kilo.

“Around 5 p.m. po ay naiangat [na] nila ‘yung higanteng lapu-lapu (na sa tanang) buhay ko ay ngayon ko pa lang nakita,” dagdag nito.

Matapos na mahuli ang lapu-lapu ay pinaghati-hatian na ito ng mga residente para sa kani-kanilang mga pamilya.

LAPU-LAPU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with