^

Probinsiya

Bulkang Bulusan yumanig ng 65 beses

Cet Dematera - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Philippines — Sa nakalipas na 24 oras ay naitala kahapon ng Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs) ang 65 beses na pagyanig ng Bulkang Bulusan na mas mataas sa nakalipas na araw.

Ang ibinugang sulfur dioxide (SO2) at plume emissions ng bulkan ay  nasa 448 tonelada at may layong 100 metro kahapon kumpara sa 348 tonelada noong nakalipas na araw.

Ayon sa Phivolcs ang nasabing aktibidades ng bulkan ay may nagbabadya na may hydrothermal activities sa loob ng bulkan.

Kaya nagbabadya ang ahensiya ng biglang pagsabog anumang oras.

Dahil naman sa malakas na buhos ng ulan sa Kabikulan ay pinaalalahanan ng Phivolcs ang mga tao na naninirahan malapit sa mga bundok at sa ilog na maging handa laban sa pagbaha ng lahar.

PHILVOCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with