^

Probinsiya

Dinukot na misis nakatakas, pero kalaboso sa pulis!

Pilipino Star Ngayon
Dinukot na misis nakatakas, pero kalaboso sa pulis!
a panayam ng PSN kay Police Corporal Ramil Legaspi, officer on case, ng Silang Police, nabatid na nakakulong ngayon sa Zaragosa Police Station sa Nueva Ecija ang kidnap victim na si Gladys Bundalian Rodriguez, tubong Tondo, Maynila at residente ng Blk. 260 Lot 18 Phase 2C, Metrogate Silang Estate, Brgy. Adlas, Silang, Cavite matapos lumabas na may warrant of arrest siya sa kasong “qualified theft “na isinampa ng dati niyang amo sa Malabon City.
STAR/ File

Mula Cavite, itinago ng kidnappers sa Nueva Ecija

CAVITE, Philippines — Isang 44-anyos ginang na ­unang iniulat na dinukot sa lalawigang ito ang nakatakas sa kamay ng mga kidnaper matapos itago sa Nueva Ecija at agad na humingi ng tulong sa awtoridad subalit imbes na mapabuti ay sa selda ang kanyang bagsak nang malamang “wanted” siya sa batas.

Sa panayam ng PSN kay Police Corporal Ramil Legaspi, officer on case, ng Silang Police, nabatid na nakakulong ngayon sa Zaragosa Police Station sa Nueva Ecija ang kidnap victim na si Gladys Bundalian Rodriguez, tubong Tondo, Maynila at residente ng Blk. 260 Lot 18 Phase 2C, Metrogate Silang Estate, Brgy. Adlas, Silang, Cavite matapos lumabas na may warrant of arrest siya sa kasong “qualified theft “na isinampa ng dati niyang amo sa Malabon City.

Nauna rito, sinabi ni Legaspi na nagtungo sa kanilang himpilan ang anak ni Rodriguez at inireport na kinidnap ang kanyang ina ng nasa anim na armadong kalalakihan sakay ng pu­ting Hyundai Starex van matapos siyang pasukin sa bahay nito dakong alas-11:45 ng gabi nitong Hunyo 9.

Isa sa mga suspek ang natukoy sa pamamagitan ng PNP gallery at sa tattoo sa kamay nito, habang pinaghahanap pa ang iba niyang kasamahan.

Ayon kay Sgt. Legaspi, may isinagawa na silang follow up investigation at lumalabas na malaking pera ang involve sa nasabing pagdukot.

Mula Cavite ay dinala at itinago umano ng mga kidnaper ang biktima sa isang bahay na kalaunan ay nalamang sa Zaragosa, Nueva Ecija. Tatlong tao umano na kinabibilangan ng isang lalaki, isang babae at isang 17-anyos na binatilyo ang nagbantay sa biktima. Pero nang makakuha ng tiyempo, tumakas umano ang ginang at agad humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay sa lugar na agad namang itinawag sa himpilan ng pulisya.

Sa pagsisiyasat ng Zaragosa Police, napag-alaman na may warrant of arrest diumano ang biktima sa kasong qualified theft na isinampa ng dati nitong amo, na inisyu ni Judge Zaldy Docema ng RTC Branch 170, Malabon City kaya imbes na makabalik sa kanyang pamilya ay agad siyang inaresto at ikinulong.

Nakatakdang ilipat sa Malabon ang ginang kung saan ibinaba ang arrest warrant nito mula Nueva Ecija.

NUEVA ECIJA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user