^

Probinsiya

Negosyante pinatay ng 2 ‘intel’, mga pera at alahas kinulimbat

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 37-anyos na negosyante ang patay matapos barilin ng dalawang lalaki na nagpakilala pang “intel” saka nilimas ang kinita ng kanyang sari-sari store at mga alahas, kamakalawa ng gabi sa Lidlidda, Ilocos Sur.

Dead-on-arrival sa Candon General Hospital si Mark Anthony Sayaan, may asawa, may-ari ng Liberty Sa­yaan Sari-Sari Store sa Brgy. Poblacion Norte, Lidlidda Candon, Ilocos Sur. 

Ayon sa pahayag ng misis ng biktima na si Liberty, bumili ng dalawang beer ang dalawang lalaki na nagpakilalang mga ‘intel’ (intelligence officer).

Dito ay nagtanong ang mga suspek kung may mga drug lord sa lugar sabay tutok ng baril sa kanya habang pinipilit pumasok.

Subalit nang lumabas mula sa isang pintuan ang biktima, bigla na lang siyang pinagbabaril ng isa sa suspek samantalang ang isa naman ay mabilis na kinuha ang cash box na naglalaman ng P7,000, mga alahas na nagkakahalaga ng P74,000.00, at dalawang cellphone na nagkakahalaga ng P18,000.00.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek matapos maisagawa ang pagpatay sa biktima at pangungulimbat sa sari-sari store nito.

vuukle comment

KRIMEN

PAGNANAKAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with