^

Probinsiya

San Pablo-Lucena route, muling bubuksan bago mag-Hunyo 30

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bago ang Hunyo 30 o ang pagbaba sa puwesto ng administrasyong Duterte, ay bubuksang muli ng Philippine National Railways (PNR) sa commuting public ang kanilang San Pablo, Laguna to Lucena, Quezon route.

Ang anunsiyo ay ginawa mismo ni PNR General Manager Junn Magno sa isang virtual press briefing nitong Miyerkules.

Ayon pa kay Magno, nakapagsagawa na sila ng testing sa naturang ruta.

Ang PNR San Pablo-Lucena route ay isang 44-kilometrong inter-provincial commuter railway, na bahagi ng commuter train service patungong Bicol na may mga istasyon at flag stops para sa daily commutes o short travels.

Natigil ang commuter operations nito noong Oktubre 2013 matapos mag-collapse ang isang abutment.

Sa pagtaya ni Magno, ang pasahe sa naturang ruta ay wala pang P100 habang ang biyahe naman ay nasa pagitan aniya ng isang oras at 15 minuto hanggang isa at kalahating oras.

Ayon naman sa Department of Transportation (DOTr), magkakaroon ng dalawang terminal stations ang San Pablo-Lucena route at apat na flag stops sa pagitan nito.

PNR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with