^

Probinsiya

Ex-Air Force, nalunod sa swimming pool

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

LIPA CITY, Batangas, Philippines — Patay ang 56- anyos na retiradong miyembro ng Philippine Air Force matapos malunod sa swimming pool ng isang resort sa lungsod na ito, kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Anacleto Lubis, taga-Barangay 4,Mataas na Kahoy, Batangas.

Sa inisyal na im­bestigasyon, nagtungo sa nasabing resort ang biktima at kanyang mga kumpare para lumangoy at mag-inu­man.

Bandang alas-6:00 ng gabi ay napansin ng kanyang mga kasamahan na nawawala ang biktima kaya’t hinanap nila ito sa paligid ng resort.

Isang bisita ang nakakita sa biktimang wala nang malay at nasa ilalim ng pool.

Agad na iniahon ang biktima ng kanyang mga kasamahan na wala nang buhay.

Wala pang pahayag ang resort sa pangyayari.

PHILIPPINE AIR FORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with