CHR iimbestigahan 'rape-slay' ng 10-anyos sa probinsya ng Isabela
MANILA, Philippines — Magkakasa ng "motu proprio investigation" ang tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) sa Region II patungkol sa diumano'y panghahalay at pagpatay sa isang 10 taong gulang na babae sa probinsya ng Isabela.
Sinasabing natagpuan ang bangkay ng bata nitong Miyerkules sa Mabiret River, Purok 4, Balluarte, Santiago City, ayon kay CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia.
"It is concerning that barely a week has passed since CHR has taken cognizance and investigated a similar incident in Batangas," ani De Guia kanina sa isang pahayag.
"We strongly condemn this heinous crime and all other acts of violence towards children."
Ika-14 lang ng Mayo nang matagpuan din ang bangkay ng isa pang suspected rape-slay victim sa probinsya ng Batangas, kung saan 5-anyos naman ang biktima.
Nakiramay naman sina De Guia sa mga naulilang pamilya at mahal sa buhay ng paslit.
"Crimes perpetrated against the young and defenseless represents a failure to protect the most vulnerable members of society," dagdag pa ng komisyon.
"We urge local law enforcers and barangay community leaders, who are duty-bound to protect the rights of children, to take more proactive measure to prevent continuing crimes of abuse."
Hinihingi pa ng Philstar.com ang Philippine National Police para sa mga karagdagang detalye sa krimen ngunit hindi pa rin tumutugon magpahanggang sa ngayon. — James Relativo
- Latest