Sabungero tigok sa tari ng manok

TAGKAWAYAN, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang sabungero matapos na ito ay maubusan ng dugo dahil sa tama ng tari ng hawak niyang manok, kamakalawa ng hapon sa Barangay San Vicente ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ronnel Nator, 47, may asawa at residente ng Barangay Candalapdap.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-2:30 ng hapon habang nasa loob ng ruweda ng Tagkawayan cockpit arena ang biktima ay hawak niya ang isang sasabunging manok at inihahanda sa sultada.

Hindi pa man naihahagis ang manok ay nagkakawag na ito at hinataw sa kanang hita ang biktima na tinamaan ng matalim nitong tari.

Mabilis na dinala ang biktima sa ospital subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga dahil sa pagkaubos ng dugo.

Show comments