^

Probinsiya

3 tulak timbog sa P3.4 milyong shabu sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
3 tulak timbog sa P3.4 milyong shabu sa Bulacan
Kinilala ang tatlong suspek na sina Jayson Bagawang, 50, ng Brgy. San Antonio, Quezon City; Edwardo Elgarlino, 45, ng Brgy. Balon Bato, Teachers Bliss, Balintawak, Quezon City at Sarah Biscante, 44,ng ­Quezon City at nakum­piska sa kanila ang nasa P3.4M halaga ng ipinagbabawal na droga.
Freeman/File

BOCAUE, Bulacan, Philippines — Tatlong drug suspek ang naaresto ng mga otoridad sa isang drug buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. Bunlo, ng bayang ito.

Kinilala ang tatlong suspek na sina Jayson Bagawang, 50, ng Brgy. San Antonio, Quezon City; Edwardo Elgarlino, 45, ng Brgy. Balon Bato, Teachers Bliss, Balintawak, Quezon City at Sarah Biscante, 44,ng ­Quezon City at nakum­piska sa kanila ang nasa P3.4M halaga ng ipinagbabawal na droga.

Sa imbestigasyon, alas-9:20 ng gabi nang maglatag ng drug bust ­operation ang Bocaue police sa nasabing Barangay matapos makatanggap ng impormasyon na ginagawang bagsakan ng iligal na droga ang nasabing lugar ng tatlong suspek.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang arestuhin ng mga pulis at doon nakumpiska ang isang brown tape sealed foil pack na naglalaman ng white crystalline substance ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang sa 500 gramo.

SHABU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with