^

Probinsiya

Mga armas at bala narekober sa kampo ng NPA

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mga armas at bala narekober sa kampo ng NPA
Kinilala ang lider na si Alberto Castañeda alyas JD at kasapi nitong si Roel Neniel alyas Jacob, ng Sandatahang Yunit Pampropaganda 16C2 ug 16C1 sa Guerilla Front 16, Northeastern Mindanao Regional Party Committee.
STAR/File

SURIGAO DEL NORTE, Philippines — Tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang grupo ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na nakaengkwentro at makuhanan ng mga matataas na armas at bala matapos makubkob ang kanilang kuta nitong Lunes sa bayan ng Bascuag.

Kinilala ang lider na si Alberto Castañeda alyas JD at kasapi nitong si Roel Neniel alyas Jacob, ng Sandatahang Yunit Pampropaganda 16C2 ug 16C1 sa Guerilla Front 16, Northeastern Mindanao Regional Party Committee (NEMRC).

Batay sa report ng 30th Infantry (Fight On) Battalion, Philippine Army, alas-6:45 ng umaga nang makasagupa ang mga rebeldeng grupo sa Barangay Pungtod, Bacuag, Surigao del Norte.

Ayon kay Lt Col Ryan Charles Callanta, commanding officer ng 30th IB-PA, nakatanggap sila ng report mula sa mga residente hinggil sa presensiya ng naturang grupo at ginawa nila itong kampo.

Pagdating sa lugar ng mga sundalo, agad silang sinalubong ng mga putok ng baril ng mga rebeldeng grupo dahilan para makipagbarilan ang mga ito.

Tumagal ng 30-minuto ang bakbakan saka kumaripas patakas ang mga rebelde at inabandona ang kanilang kampo.

Narekober ng militar ang cal 5.56mm AR15 rifle, M203 Grenade Launcher, 30 bala ng AK47 rifle, 20 bala ng M16 rifle, improvised explosive device (IED), mga subersibong dokumento at mga personal nilang kagamitan.Wala naman naiulat na nasawi o nasugatan sa naturang engkuwentro.

NPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with