^

Probinsiya

Road rage: Trak driver todas sa rider

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Nasawi ang trak driver matapos siyang barilin nang nakasagutan na isang motorcycle rider sa bahagi ng Barangay San Fermin, Cauayan City sa lalawigang ito ka­makalawa ng umaga.

Kinilala ng Cauayan City PNP ang nasa­wing biktima na si Danilo Bramaje, 42, residente ng Barangay Gappal sa nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigas­yon ng Cauayan City-PNP, papasok sa pinapasukang kumpanya ang biktima, kasama ang kanyang pahinante, nang makagitgitan ang isang motorsiklo sa national highway malapit sa kanilang pinapasukang trabaho.

Sa pahayag ng pahinante na kasama ni Bramaje, bumaba umano ang biktima para komprontahin sana ang sakay ng motorsiklo, subalit agad siyang nakarinig ng putok ng baril at nakita ang biktima na duguang nakahandusay sa kalsada dahil sa tinamong tama ng bala sa dibdib na agad nitong ikinasawi.

Inaalam naman ng mga otoridad ang posib­leng pagkakilanlan sa suspek batay sa kuha ng mga CCTV footages malapit sa lugar.

RIDER

TRUCK DRIVER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with