^

Probinsiya

Kelot inutas sa masamang titig

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

KALIBO, Aklan, Philippines — Hindi na umabot ng buhay ang lasing na lalaki matapos saksakin ng kanyang kalugar na lasing din na nagalit sa masamang titig nito,kahapon sa ba­yang ito.

Kinilala ang biktimang si Romel Aros, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si John Colas, 25, kapwa residente sa Poblacion, Kalibo.

Batay sa report ng Kalibo Police Station, bago naganap ang krimen, alas-2:00 ng madaling araw ay kapwa galing sa inuman ang dalawa nang magkasalubong ang mga ito at nagkatitigan na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Bumunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima at pagkatapos ay tumakas.

Isinugod sa ospital ang biktima, subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga at alas-10:00 ng umaga ay sumuko ang suspek sa pulisya at inamin ang ginawang krimen.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with