^

Probinsiya

5 NPA sumuko, armory itinuro

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Limang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko at itinuro sa militar ang imbakan ng mga armas sa Maguindanao.

Ayon kay Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Lieutenant General Alfredo Rosario Jr., sumuko ang mga dating rebelde sa headquarters ng 57th Infantry Battalion, sa Edwards Camp, Barangay Mirab, Upi, Maguindanao kamakalawa.

Isinuko din ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng 5.56mm rifle, isang caliber 30 M1 Garand rifle, at tatlong 12-gauge shotguns.

Sa follow up operations, itinuro rin ng mga sumuko ang kanilang mga imbakan ng armas sa Mt. Tred sa Barangay Bual, Isulan at sa Barangay Chua, Bagumbayan.

Narekober naman dito ng militar ang dalawang M16 rifles, isang M60 general-purpose machine gun, at samu’t saring magasin at bala.

Mula Enero ng taong ito, 62 dating miyembro ng NPA ang sumuko sa mga tropa ng pamahalaan sa central Mindanao.

NPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with