^

Probinsiya

Drug den sa CamSur nalansag sa buy-bust: Mag-ama, 2 pa tiklo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

CAMALIGAN, Camarines Sur, Philippines — Kalaboso ang apat katao kabilang ang isang mag-ama at nagsisilbi umanong ­operator ng isang hinihinalang drug den matapos ang isinagawang buy-bust ­operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Zone 2, Brgy. San Roque ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Joel Serrado Abanes, 49-anyos at anak niyang si Tricia Ann, 25-anyos habang hindi rin nakapalag sa mga ahente ng PDEA ang may-ari ng bahay na ginagawang drug den na si William Eduarte Gados, 57-anyos, nasa provincial watchlist at dati nang nakulong dahil sa kaso ng droga at isang Ronald D.

Sa ulat, dakong alas-11:25 ng umaga, kumagat ang suspek na si Gados sa buy-bust operation ng mga ahente mula sa PDEA-Camarines Sur at PDEA-Masbate sa pa­ngunguna ni lO1 Ronald Allan Bico.

Nang iabot ng suspek ang biniling droga ay mabilis siyang ­inaresto habang ang ibang mga ahente ay biglang pumasok sa drug den at naaktuhan mismong bumabatak ang mag-amang Abanes at Felicitas.

Nabawi sa lugar ang ilang sachet ng shabu na tumitimbang ng 12-gramo at nagkakahalaga ng P81,600, tatlong tooter, aluminum foil at ilan pang drug paraphernalia.

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with