^

Probinsiya

Mister na-depress sa sakit na cancer, nag-suicide

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TIAONG, Quezon, Philippines — Winakasan ng isang mister ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti makaraang hindi na matagalan ang depresyon bunsod ng dinaranas na matinding sakit at kakulangan ng pera sa Sitio Adelina, Barangay Lagalag ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arturo Gile, 52, residente sa naturang lugar.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-7:30 ng umaga ay natuklasan ni Jovelyn ang kanyang ama na nakabigti sa loob ng kuwarto nito sa pamamagitan ng paggamit ng cable wire.

Tulung-tulong na inalis mula sa pagkakabitin ang biktima at mabilis na dinala sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

Ayon kay Jovelyn, may ilang buwan nang nakakaranas ng depresyon ang kanyang ama dahil sa cancer sa buto at pinoproblema nito ang pagpapa-ospital at pang-araw-araw na pambili ng gamot.                                                                                                                     

vuukle comment

MISTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with