^

Probinsiya

Coastal waters sa 6 na lugar, may ‘red tide’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Coastal waters sa 6 na lugar, may âred tideâ
Ayon sa BFAR hindi dapat makarating sa mga pamilihan ang mga shellfish products mula sa coastal waters ng Bolinao sa Pangasinan; Milagros sa Masbate; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur dahil sa mataas na toxicity level ng lason ng red tide  sa naturang mga baybayin.
STAR / File

MANILA, Philippines — Ipinagbabawal  ng Bu­reau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hanguin, ibenta at kainin ang shellfish products  tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa anim na karagatan sa bansa dahil sa kontaminasyon ng red tide.

Ayon sa BFAR hindi dapat makarating sa mga pamilihan ang mga shellfish products mula sa coastal waters ng Bolinao sa Pangasinan; Milagros sa Masbate; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur dahil sa mataas na toxicity level ng lason ng red tide  sa naturang mga baybayin.

Hinikayat din ng  BFAR ang mga Local chief exe­cutives sa nabanggit na mga lugar na huwag ha­yaan na maibenta sa mga palengke ang shellfish products dahil kapag kinain ay maaari itong makaapekto sa kalusugan ng mga tao tulad ng pagtatae, pagsakit ng tiyan, dehydration na posibleng magdulot ng kamatayan.

Gayunman, maaari namang makain mula sa mga baybayin ang isda, pusit, hipon, at alimango basta’t kailangang huga­san lamang, tanggalin ang hasang at kaliskis at lutuing mabuti bago kainin.                                                                                                      

BFAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with