^

Probinsiya

Rider niratrat ng tandem sa Rizal, patay

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Rider niratrat ng tandem sa Rizal, patay
Sinisiyasat ng mga police investigators ang bangkay ng isang motorcycle rider na pinagbabaril ng riding-in-tandem sa may tapat ng St. Anthony de Padua Parish sa Antipolo City, Rizal kahapon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Patay ang isang motorcycle rider matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Marcos Highway sa Barangay Inarawan, Antipolo City, Rizal kahapon ng umaga.

Patuloy pang ina­alam ng Antipolo Police ang pagkakakilanlan ng pinaslang na biktima. 

Ayon kay Police Lt. Col. Jun Abrazado, hepe ng Antipolo Police, dakong alas-8:40 ng umaga habang binabagtas ng biktima ang westbound lane ng Marcos Highway nang biglang tapatan ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo at pagbabarilin sa labas ng St. Anthony de Padua Parish.

Hindi bababa sa 3 tama ng baril ang tinamo ng biktima na hindi pa alam ang pagkakakilanlan. 

Agad kinordonan ng pulisya ang naturang lugar para sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang krimen. 

Nangangalap din  ang pulisya ng CCTV footage sa lugar ng pamamaril para sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

PATAY

RIDING IN TANDEM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with