^

Probinsiya

Lokal na dinastiya sa Pilar, Abra gumuho

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Bumagsak ang lokal na dinastiya ng pamilyang Somera sa Pilar, Abra noong Lunes matapos talunin ito ng isang hamak na “di kilalang” Tyron Beroña sa pamamagitan ng “landslide win”.

Nagkamit si Beroña ng 6,210 boto samantalang 291 lamang ang nakuha ng incumbent mayor na si Maro So­mera, anak ng matagal na nanungkulang ma­yor at dating Vice Governor Rolando Somera, na napatay naman sa labas ng isang cockpit arena sa Marikina noong 2017.

Ang babaeng kapatid at incumbent Vice Mayor na si Jaja Somera-Disono ay natalo rin sa team mate ni Beroña sa pagka-bise alkalde sa 708 boto kumpara sa 5,573 na nakuha ni Samson Laguesma upang magwagi bilang bise mayor ng bayan.

Nauna rito, nasangkot ang private army ni Somera-Disono sa paglabag sa checkpoint, pamamaril at iba pang krimen noong Marso 29.

Nagsilbing alkalde ang matandang So­mera sa Pilar ng 3 magkakasunod na termino at isang ring termino bilang Board Member ng Abra. Tumakbong congressman ang nasirang Somera noong 2013 ngunit tinalo ito ni dating congresswoman at ngayo’y Govenor Joy Bernos.

Tumakbo rin bilang vice governor ang ma­tandang Somera noong 2016 ngunit hindi pinalad. Sumabak din sa pulitika ang mga anak nito na sina Mark Rolando (Maro) at Josefina Jaja sa pulitika sa Pilar noong 2019 upang kontrolin ang bayan, na maibibilang na pinakamalaki ang kinukubra sa Tobacco Excise Tax sa ilalim ng RA 7171 sa buong Abra.

Ang pagkatalo ng mga Somera ay tinaguriang “final referendum” ng mga botante kung paano nila pinatakbo ang kanilang bayan. 

Nabatid na humaharap ang mga Somera sa patung-patong na mga kasong kriminal gaya ng trafficking in persons matapos na isang dosenang da­ting sundalo na ginawa nilang private army ang sumuko kasunod ng madugong March 29 shooting at stand-off sa compound ng mga ito sa kanilang mismong bayan.

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user