^

Probinsiya

Kagawad pinasok sa bahay, itinumba!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Kagawad pinasok sa bahay, itinumba!
Napuruhan ng ­punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan dahilan ng agarang kamatayan ng biktimang si Dominador Goronal Oliveros, residente at incumbent kagawad ng naturang barangay.
STAR/File

LIBON, Albay, Philippines — Dead-on-the spot ang isang 76-anyos na barangay kagawad matapos pasukin at pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa Zone-1, Brgy. Villa Petrona ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Napuruhan ng ­punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan dahilan ng agarang kamatayan ng biktimang si Dominador Goronal Oliveros, residente at incumbent kagawad ng naturang barangay.

Sa ulat, dakong alas-8 ng gabi habang nanonood ng telebisyon sa loob ng kanyang bahay ang biktima nang pumasok ang hindi na­kilalang lalaki na armado ng hindi malamang kalibre ng baril at walang kaabug-abog na pinagbabaril ang kagawad.

Mabilis na tumakas ang gunman matapos ang pamamaril.

Patuloy sa imbestigasyon ng mga pulis sa insidente upang matukoy ang salarin at motibo sa pamamaslang sa biktima.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user