^

Probinsiya

Marcoses wagi sa matataas na posisyon sa Ilocos Norte

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Na­ngibabaw ang mga Marcoses sa Ilocos Norte matapos mahalal muli si incumbent Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc sa kanyang re-election bid at magsisilbi para sa kanyang ikalawang termino sa susunod na tatlong taon.

Si Marcos Manotoc ay iprinoklama nang panalo sa katatapos na halalan, sa ginanap na proclamation rites sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall, sa botong 261,885 kumpara sa kalaban nitong si dating Rep. Rodolfo “Rudy” Fariñas na nakakuha lamang ng 94,372 votes.

“Gusto kong magpasalamat sa mga kakailian po namin. Dios ti agnginga (Thank you very much). Many many thanks. As we have said in the past, Ilocos Norte leads the Solid North and it’s truly an honor and a pleasure to work here in Ilocos Norte as your Governor,” pahayag ni Marcos Manotoc matapos ang proclamation ceremony.

Nangibabaw naman ang anak ni Ex. Senator Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. na nangu­nguna ngayon sa presidential race, na si Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, bilang kongresista sa unang distrito ng Ilocos Norte na nakakuha ng 108,423 boto habang sa ikalawang distrito ay si reelectionist Cong. ­Angelo Marcos Barba na may 127,867 boto.

Umani rin ng landslide win si Vice Governor Cecilia Araneta-Marcos para manatili sa puwesto sa botong 267,896.

Ang iba pang nanalo sa halalan para sa First District Board members ay sina Atty. Saul Lazo (88,031 votes), Atty. Franklin Dante Respicio (83,423 votes), Atty. Donald Nicolas (81,633 votes), at Ms. Portia Salenda (78,890 votes).

Nahalal din bilang Se­cond District Board Members sina Rafael Medina (88,094 votes), Dr. Medeldorf Gaoat (81,181 votes), Giancarlo Crisostomo (61,678 votes), at  Jonathan Torralba (57,540 votes).

Mula naman sa kabilang partido, nahalal muli si Junior Fariñas bilang provincial board member na tumanggap ng pinakamataas na botong 90,259, dahilan para makuha niya ang titulong Senior Board Member; at si Second District Board Member Aladine Santos (63,035 votes), isang independent candidate.

ILOCOS NORTE

MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with