^

Probinsiya

Babaeng kadete mula South Cotabato nag-top sa PMA

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Babaeng kadete mula South Cotabato nag-top sa PMA
Si Cadet 1CL Krystlenn Ivany Quemado, tubong South Cotabato ay tatanggap ng Presidential Saber mula kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa “face-to-face” commencement rites ng BAGSIK-DIWA (Bagong Sibol sa Kinabukasan Mandirigma Hanggang Wakas) Class of 2022.
File photo

FORT DEL PILAR, Baguio City, Philippines — Isa na namang babae ang nanguna sa graduating class ng Philippine Military Academy (PMA) ngayong 2022, dahilan upang maitala siya na pang-pito sa mga “female cadets” na nagtapos bilang “topnotcher” sa nasabing pangunahing military training institution sa bansa.

Si Cadet 1CL Krystlenn Ivany Quemado, tubong South Cotabato ay tatanggap ng Presidential Saber mula kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa “face-to-face” commencement rites ng BAGSIK-DIWA (Bagong Sibol sa Kinabukasan Mandirigma Hanggang Wakas) Class of 2022.

Si Quemado ay tatanggap din ng Philippine Navy Saber at Jusmag Saber habang nakopo rin niya ang Australian Defence Best Overall Performance Award, Spanish Armed Forces Award, Agfo Award, Academic Group Award, Humanities Plaque, Management Plaque, Social Sciences Plaque, at Navy Professional Courses Plaque.

Pumangalawa naman sa kanilang klase si Cadet 1CL Kevin John Pastrana mula Baguio City na tatanggap ng Vice Presidential Saber at Philippine Air Force Saber bukod pa sa Australian Defence Best Overall Performance Award, Information Technology Plaque at Air Force Professional Courses Plaque.

Si Cadet 1CL Ian Joseph Bragancia mula Iloilo ang pumangatlo na makakakuha ng mga Secretary of National Defense Saber, Philippine Army Saber at Chief Justice Saber.   Siya ay tatanggap din ng Australian Defense Best Overall Performance Award, Distinguished Cadet Award, General Antonio Luna Award, Mathematics Plaque, Natural Science Plaque, at National Security Studies Plaque, Army Professional Courses Plaque.

Nasa ikaapat namang rank si Cadet 1CL Faithe Turiano ng Camarines Sur, 5th ay si Cadet 1CL Yyoni Xandria Marie Tiu mula Davao City, 6th-Cadet 1CL Jake Anthony Mosquera ng North Cotabato, 7th si Cadet 1CL Jesie Mar Frias mula Antipolo City, Rizal, 8th ay si Cadet 1CL Elvin John Oyo-a mula Butuan City,  pang-9 na puwesto si Cadet 1CL Nerfa Minong ng Zamboanga City at ang pang-10 ay si Cadet 1CL Criselle Jane Rico na nagmula rin sa Zamboanga City.

Dahil dito, apat sa mga babaeng graduates sa PMA ang nasa top 10 bukod pa sa topnotcher na si Quemado.

Magugunita noong 2020, ang babaeng kadete na si Gemalyn Deocares Sugui, ang nag-top sa kanyang “Masidlawin” class habang noong 2019 ay nanguna rin sa kanilang PMA class ang isang babaeng taga-Alilem, Ilocos Sur na si Dionne Mae Apolog Umalla. 

Noong 1999, nanguna rin sa kanyang mga ka­klaseng “mistah” ang kadete na si Arlene dela Cruz; si Tara Velasco naman noong 2003; Andrelee Mojica noong 2007 at Rovi Mariel Martinez noong 2017.

PMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with