^

Probinsiya

Legazpi City mayor, panalong governor sa Albay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Inaantabayanan na ang pormal na proklamasyon ng provincial board of canvassers sa nagwaging bagong go­bernador ng lalawigang ito na si Legazpi City Mayor Noel Rosal matapos nitong talunin ang incumbent governor na si Al Francis Bichara sa 2022 local elections.

Si Rosal ay may landslide votes na 453,013 laban sa 227,627 boto ng incumbent na si Bichara.

Kaugnay nito, nagpasalamat si Rosal sa lahat ng mga sumuporta at bumoto sa kanya at nangakong gagawin ang kanyang mga ipinangako sa nakaraang pangangampanya lalo na ang pagsulong sa bagong mga programa sa kapitolyo para sa ikabubuti ng serbisyo at ikauunlad ng lahat.

Nanalo naman ang asawa ni Rosal na si Geraldine sa mahigpit na katunggali sa pagka-alkalde ng Legazpi City na si Ako Bicol Congressman Alfredo Garbin Jr. makaraang talunin nito ang huli sa 500-boto.

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with