^

Probinsiya

Akusado sa pagpatay kay Rep. Batocabe Baldo, balik-uli sa pagka-mayor sa Daraga

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

DARAGA, Albay, Philippines — Iprinoklama na kahapon ng madaling araw bilang mayor-elect ng municipal board of canvassers si dating mayor Carlwyn “Awin” Baldo matapos talunin ang kasaluku­yang alkalde ng bayang ito na si Victor Perete.

Muling nanalo si Baldo makaraang iwanan ng mahigit tatlong libong boto si Mayor Perete na naka-tatlong taon lamang o isang torno bilang alkalde ng Daraga. Ang huli ang siya ring unang tumalo sa dating alkalde noong 2019 local elections makaraang masabit ito sa kontrobersyal na kaso ng pamamaslang kay dating Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Si Baldo ay nakalaya matapos payagan ng korte na makapag-piyansa sa mga kasong double murder at multiple frustrated murder matapos ituro ng mga nahuling gunmen na siyang “utak” umano sa pananambang at pagkakapaslang ni Batocabe at sa pulis na bodyguard nito at sa pagkakasugat sa ilang senior citizen sa isang okasyon sa Brgy. Burgos noong Disyembre, 2018 na mahigpit naman nitong pinabulaanan.

Layon ng nagbabalik na alkalde na maipagpatuloy ang mga naputol na programa nito para sa kanilang bayan.

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with