^

Probinsiya

10-anyos nagtampisaw sa ilog, patay sa kuryente

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

SORSOGON CITY, Sorsogon, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 10-anyos na batang babae matapos makur­yente habang naliligo sa ilog ng Sitio Agriville, Brgy. Cabid-an, East District ng lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Ana Christina Pa­reja Ducay, Grade 6 pupil at residente ng Brgy. San Ramon, Bacon District, Sorsogon City.

Sa ulat, nagkaya­yaan ang biktima at isa sa kanyang kalaro na maligo sa ilog sa kalapit na barangay.

Gayunman, habang nagtatampisaw ang da­lawang paslit ay aksidenteng nahawakan ng isa ang nakabitin na kable ng kuryente sa isang kubo sa may tabi ng ilog.

Bunsod nito, agad nangisay ang biktima na mabilis namang nasaklolohan ng mga re­sidente at isinugod sa Metro-Health Hospital pero idineklarang dead-on-arrival.

EAST DISTRICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with