^

Probinsiya

Van nag-dive sa bangin: 3 dedo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Van nag-dive sa bangin: 3 dedo
Pawang nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan sanhi ng kanilang agarang kamatayan ang mga biktimang sina Alfonzo Castro, 43-anyos, anak niyang si Allen, 21; kapwa residente ng Baliuag, Bulacan at ang kanilang amo na si Danielle Josh Cruz, 23.
Graphics/Philstar John Villamayor

REAL, Quezon, Philippines — Tatlo ang kumpirmadong patay kabilang ang mag-ama makaraang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang delivery van kamakalawa ng umaga sa Barangay Tanauan ng bayang ito.

Pawang nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan sanhi ng kanilang agarang kamatayan ang mga biktimang sina Alfonzo Castro, 43-anyos, anak niyang si Allen, 21; kapwa residente ng Baliuag, Bulacan at ang kanilang amo na si Danielle Josh Cruz, 23.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas 7:45 ng umaga ay minamaneho ni Alfonzo ang isang Aluminum Wing Van na kargado ng mga agricultural feeds na idedeliver sa Infanta, Quezon at nakasakay ang anak na pahinante at kanilang amo.

Pagsapit umano sa kurbadang bahagi ng kalye ay nawalan ng kontrol sa manibela si Alfonzo at tuloy tuloy na bumulusok sa bangin at bumanggga sa mga puno.

Dahil sa aksidente ay nayupi at nahati ang sasakyan na naging sanhi upang agad na malagutan ng hininga ang mga biktima at nagkalat din sa lugar ang mga karga nitong feeds.

Inabot ng tatlong oras ang retrieval ­operation na isinagawa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at pulisya sa katawan ng mga biktima dahil sa dulas ng daan patungo sa main road hanggang sa maiahon sa bangin.

VAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with